Laugh trip ang mga netizen na nakapanood sa panayam ni Kapuso star Bea Alonzo sa Kapamilya host-comedienne na si Melai Cantiveros na kumasa sa kaniyang "lie detector test" vlog.

Isa sa mga napag-usapan nila ay nang sabihan daw si Melai noon ni Star Magic Head Direk Laurenti Dyogi na mag-ayos na dahil mas mukha pa raw artista ang mga nagpapa-picture sa kaniyang fans.

Nangyari daw ito nang manalo siyang Big Winner sa "Pinoy Big Brother" o PBB.

“Alam mo ba Bei, nagmakaawa sakin si Direk Lauren. ‘Melai, please maawa ka,’” kuwento ng "Magandang Buhay" host.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“‘Bakit Direk?’ ‘Mag-ayos ka na dahil artista ka na.’ Kasi nakita niya doon sa mga nagpapa-picture sa akin mas mukha pang artista 'yong nagpa-picture. 'Okay direk,’” aniya raw.

In fairness, kung ikukumpara sa mga dating larawan ay nag-glow na nga si Melai at malayong-malayo na nga sa hitsura niya noon, na nauna namang minahal sa kaniya ng publiko.

Pero ang hindi nagbago kay Melai ay ang pagiging kuwela, spontaneous, at likas na pagiging funny niya kaya hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin siya ng publiko.