Nagpakilig sa mga netizen at avid viewers ng "FPJ's Batang Quiapo" ang sweet moments nina Lorna Tolentino at Sen. Lito Lapid sa nabanggit na action-drama series.

Sa kuwento kasi ay iniligtas ng karakter ni Lapid (Primo) ang kaniyang mahal na si Amanda, na ginagampanan naman ni LT, habang nakaratay sa ospital.

Umaatikabong yakapan, iyakan, at may "higupan" pa ang dalawa!

Sa isang Facebook fan page ng nabanggit na serye ay pinagkatuwaan ng mga netizen ang screenshot ng kanilang higupan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hirit na biro ng mga netizen, tila ayaw pakabog ng dalawa kina Coco Martin at Ivana Alawi pagdating sa kissing scenes!

MAKI-BALITA: Sey mo, Julia? Coco ‘sinulit’ si Ivana sa Batang Quiapo

MAKI-BALITA: Umaatikabong bakbakan, tampok sa new trailer ng Batang Quiapo

"Grabe naman yon Primo," mababasa sa caption.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Ayw ppakabog kila coco at ivana... dpt cla un mas magaling senior n cla."

"Hahahaha Ang lagay SI tanggol at Ramon lang hahaha"

"Lito lapid yari k kay rudy fernandez hinalkan moh c lorna tolentino.."

"The best kissing scene of the time !"