Windang na windang na ang Kapuso actress na si Carla Abellana dahil sa kaniyang utang na kailangang bayaran na umabot ng $11,087.33 sa kaniyang local credit card.

Batay sa foreign exchange ng US$ sa Philippine peso, aabot sa mahigit ₱621,904.97 ang utang na kailangang i-settle ni Carla, ayon sa kaniyang Thread post.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

"Lord, how will i pay for the $11,087.33 that was charged to my BDO Mastercard? 🥺," anang Carla.

Photo courtesy: Carla Abellana (Thread)

Hindi naman malinaw kung personal consumption ba niya ito o kaya naman ay biktima si Carla ng scam o hack.

Bumaha naman ng pag-aalala ang Thread users para kay Carla.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang updates mula sa kaniya tungkol dito.