Kasama sa mga nakapasok na nominado ang “K-Love” stars na sina Iza Calzado at Jake Cuenca para sa 28th Asian Television Awards.

Sa inilabas na listahan ng nasabing award-giving body kamakailan, nominado si Jake para sa kategoryang Best Leading Male Performance - Digital samantalang Best Leading Female Performance - Digital naman ang para kay Iza.

Ito ay dahil sa kanilang natatanging pagganap sa TV series na “K-Love” ng Viu Original, isang online streaming platform.

Ang kuwento ng nasabing teleserye ay tungkol sa epekto ng K-Drama sa limang karakter na naninirahan sa Maynila habang hinaharap ang mga pagsubok at pagbabago sa kani-kanilang buhay.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kasama nila rito ang mga artistang sina Isabelle Daza, Sue Ramirez, at Gabby Padilla.

Sa Instagram story ni Jake, makikitang ni-reshare niya ang larawan ng pagbati ng Viu sa kanila ni Iza.

Photo courtesy: Jake Cuenca (IG)