Wala pa mang kumpirmasyon o pahayag tungkol sa real score nina Kapamilya star Donny Pangilinan at Belle Mariano, isang netizen ang nagsuspetsa na hiwalay na umano ang dalawa.

Sa isang Instagram post kasi ng sikat na celebrity artist na si RB Changco nitong Linggo, Nobyembre 12, makikita ang larawan ng kapatid ni Donny na si Ella Pangilinan na malapit nang ikasal.

“Bride to be 👰‍♀️ Ella @ellapangilinanx #RBeautified #makeupbyRBCHANCO,” sad ni RB sa caption ng kaniyang post.

Nagpasalamat naman si Ella kay RB para sa magandang resulta na ginawa nito sa kaniyang hitsura.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

“Thank you for making me feel my most beautiful self RB 🤍🤍🤍” sabi ni Ella.

Pati ang ina niyang si Maricel Laxa-Pangilinan ay nagpaabot din ng pasasalamat.

“Thank you @rbchanco !! She looks stunning and fresh! 😍” saad nito.

Sa reply section naman, umeksena ang isang intrimitidang netizen na biglang nagsabing hiwalay na umano ang magka-love team na Donny at Belle.

“@mommymaricel hindi po kasama si belle. tutoo pala hiwalay na talaga si @donny at @belle_mariano 😢”

Bigo namang makakuha ang nasabing netizen ng atensyon mula kay Maricel. Pero hindi pa rin ito tumigil. Nagkomento pa rin ito at minention pa si Belle.

Ang kaso, sa halip na sagutin ng aktres, kapuwa netizen din ang sumagot dito. Narito ang daloy ng kanilang usapan:

“@belle_mariano hindi kana talaga invited sa mga events nila? tutoo pala na break na kayo ni @donny 😢”

“Huh? Sila pala? Kailan pa? Mag loveteam sila di mag jowa hindi nya kailangan pumunta dyan 😂”

“@yook_jae25 yes po sila. last year po laging kasama si @belle_mariano sa mga events ng fam ni @donny like xmas &new year party, birthday ng papa niya, engament ng ate ni donny andun din si belle pati nga po school play ng little sister niya eh.”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa ring anomang pahayag, tugon, o reaksiyon ang DonBelle hinggil dito.