Kinubra na ng isang babaeng taga-Sampaloc, Maynila ang napanalunang ₱34.5 milyong jackpot sa lotto nitong nakaraang buwan.

Ito ang kinumpirma ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes, Nobyembre 13, at sinabing natanggap na ng nasabing mananaya ang premyo nang magtungo ito sa main office ng ahensya sa Mandaluyong City nitong Oktubre 16.

Nahulaan ng mananaya ang winning combination na 13-41-06-25-34-42 sa Lotto 6/42 draw. 

"Pagka para sa 'yo, para sa 'yo talaga. Ibibigay talaga sa 'yo ni God 'yun. So kung gusto mo manalo, taya ka lang," anang lotto winner.

National

'Julian' malapit nang maging 'super typhoon'; Signal No. 4, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

Idinagdag pa nito, ibibili rin niya ng bahay ang bahagi ng kanyang napanalunan.   

PNA