Sa isang opisyal na pahayag ang nagsalita na mismo ang Kapuso actor na si Xian Lim hinggil sa mga tsismis at intrigang ipinupukol sa kaniya, lalo na sa usaping hiwalay na raw sila ng jowang si Kapamilya star Kim Chiu.

Sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post, sinabi ni Xian na ang purpose niya sa mundo ay upang maging blessing sa ibang tao, sa kahit na anumang paraan, mapa-pelikulang nagawa niya, painting, podcast, o kahit sa simpleng social media post.

Sumunod, sinabi ni Xian na marami raw hearsay ang umiikot-ikot ngayon, mga headlines na tila saliwa naman sa katotohanan, kaya binalaan niya ang publiko na huwag basta-basta maniniwala rito.

Aniya, "Leave my family and friends out of this insignificant issue compared to what is happening in the world, our country, or even deep within ourselves."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"I am in the entertainment industry but I am not here to entertain, I am here to express, I am here to breathe life to the characters I play. I am here to tell a story in whatever shape or form it may be."

"I am not here to explain and satisfy ones curiosity. I am not here to ask for sympathy and spread hate. That is not who I am," giit ni Xian.

Sa huli, sinabi ni Xian na mahal niya ang mga tao sa paligid niya, ang pagkakataong naibigay sa kaniya ng tadhana, at patuloy daw niyang gagamitin ang kaniyang boses para sa kaniyang purpose.