Very proud si It’s Showtime host Vhong Navarro sa ipinakitang performance ng kanilang grupong “Team JTV” sa naganap na Magpasikat 2023 bilang pagdiriwang ng ika-14 anibersaryo ng noontime show.

Sa isang Instagram post, nagbahagi si Vhong ng ilang mga larawan kasama ang Team JTV, kung saan nakasama niya ang kaniyang co-hosts na sina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz sa Magpasikat 2023.

“Congratulations, Team JTV! Salamat sa sipag at tiyaga! Proud na proud ako sa nagawa natin! Love u all! 🙏🏻❤️,” ani Vhong sa naturang post.

Matatandaang nagpaluha sa hosts, mga hurado, at madlang people ang naging performance ng Team JTV matapos nilang kilalanin at bigyang-buhay ang yumaong mga komedyante ng bansa sa pamamagitan ng artificial intelligence (AI).

Mga yumaong komedyante, binigyang-tribute nina Vhong, Jugs at Teddy

Dahil dito, nakatanggap ang kanilang grupo ng average score na 8.2 mula sa mga hurado at itinanghal na third place sa Magpasikat 2023.

Samantala, binati rin ni Vhong sa naturang post ang ibang mga grupo ng Magpasikat 2023 na kapwa rin niya host ng It’s Showtime.

“Congratulations, Team JKI 👏🙌🏻Team ARO, Team VJC and Team KALM! Happy 14th Anniversary! 🍾🎊🎉,” saad ni Vhong.

Itinanghal na grand champion sa naturang “Magpasikat 2023” ang grupo nina Jhong Hilario, Kim Chiu, at Ion Perez o ang Team JKI.

https://balita.net.ph/2023/11/11/team-jhong-kim-ion-wagi-sa-magpasikat-2023-ng-its-showtime/

Taun-taong nagtatagisan ng talento at nagpapasikat ang mga host ng It’s Showtime bilang pagdiriwang ng kanilang anibersaryo.