Nabili ng naturang mananaya ang kanyang ticket sa Santa Rosa, Nueva Ecija.
Isa namang taga-Iloilo ang mag-uuwi ng ₱10,874,702.20 jackpot matapos tumama sa Lotto 6/42 nitong Nobyembre 11 ng gabi.
Nahulaan nito ang six-digit winning combination na 03-28-17-11-26-16. Nabili nito ang ticket sa Santa Barbara, Iloilo City.
Pinayuhan ng PCSO ang mga lotto jackpot winner na magtungo sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyong City upang makubra ang kanilang premyo na babawasan ng 20 porsyetong buwis alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.