"Tapos na ba ang pila?"

Kilig na kilig ang mga tagahanga at tagasuporta ng "Linlang" star na si JM De Guzman at social media personality-actress na si Donnalyn Bartolome matapos nilang mag-date sa isang yate.

Mapapanood ang kanilang "not so friendly date" sa ">YouTube channel ni Donnalyn.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Sa umpisa ay may pa-boquet of flowers pa muna si JM para ayain si Donnalyn na nakadungaw naman sa balkonahe ng kanilang bahay.

Sa baba ay naghihiyawan naman ang fans, na karamihan ay mga estudyante.

Hanggang sa finally ay pumayag na nga si Donnalyn sa date na aya sa kaniya ni JM.

Habang nasa yate ay nahiga pa while holding hands ang dalawa na talaga namang kinakiligan ng subscribers ni Donnalyn.

Pagkatapos nito ay nagsalo sila sa isang dinner, at dito ay inaya ni JM si Donnalyn na sana ay panoorin nito ang Linlang dahil intensed na ang mga eksena roon.

Matatandaang inamin ni JM na nililigawan na niya ang dalaga.

MAKI-BALITA: JM, flinex pabebe pic ni Donnalyn; may pa-hashtag na nagpakilig sa netizens

MAKI-BALITA: ‘Donnalyn pakigalaw ang baso!’ JM De Guzman ‘adik’ sa isang vlogger-actress?