Aabot sa ₱250,000 financial assistance ang ibinigay ni House Speaker Martin Romualdez sa pamilya ng pinaslang na si radio broadcaster Juan "DJ Johnny Walker" Jumalon.
Ang nasabing tulong pinansyal ay personal na iniabot ni Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) Undersecretary Paul Guitterez sa pamilya ni Jumalon sa Calamba, Misamis Occidental nitong Sabado.
Nadagdagan pa ang nasabing financial assistance dahil nagbigay din ₱100,000 si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
"After suddenly losing a breadwinner, it's really difficult for a family to pick up the pieces and carry on with their lives," bahagi naman ng pahayag ni Romualdez nitong Linggo.
Nauna nang tiniyak ni Gutierrez na mabibigyan ng hustisya ang pamamaslang kay Jumalon dahil ginawa na ng Philippine National Police ang lahat upang maaresto ang nasa likod nito.
Matatandang binaril ng hindi nakikilalang lalaki si Jumalon habang sumasalang sa kanyang programa sa 94.7 Calamba Gold FM sa mismong bahay nito sa Barangay Don Bernardo A. Neri, Calamba nitong Nobyembre 5.