“Maraming Maraming SALAMAT!❤️🏆🙏🏻 🥹 Happy 14th-anniversary @itsshowtime”

Nagbahagi ng saloobin ang “It’s Showtime” host na si Kim Chiu matapos manalo ang kanilang team sa “Magpasikat 2023” nitong Sabado, Nobyembre 11.

MAKI-BALITA: Team Jhong, Kim, Ion, wagi sa ‘Magpasikat 2023’ ng It’s Showtime

Sa kaniyang Instagram post, mapapanood ang video clip ng paghahanda nila ng kaniyang mga kagrupong sina Jhong Hilario at Ion Perez. 

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Tila hindi alam ni Kim kung paano sisimulan ang lalamanin ng kaniyang caption na kalakip ng nasabing video.

“Paano ko ba to sisimulan. Di pRin ako makapaniwala. Habang nag tatype ako ngayon. Punong puno ang puso ko ng pasasalamat. 🥹❤️ Thank you, dahil sa experience na to mas nakikilala ko lahat ng mga ka groupo ko,” saad ni Kim.

Dagdag pa niya: “Nakita ko ang hard work, dedication, passion, and kung gaano sila ka committed na makapagbigay ng performance of a lifetime para sa madlang pipol. From creative meeting hanggang sa execution, team effort talaga, lahat nag ambag, nagbigay and this is what family is all about. Bigayan, tulungan, supportahan sa bawat isa.”

Aminado rin umano si Kim na kinabahan umano siya kung magagawa niya ba ang naturang performance. Pero sabi nga niya, hindi naman malalaman kung hindi umano susubukan.

Mensahe pa ni Kim: “What hits me most is the message na kahit ako natamaan. Social media is part of our lives, but let us not forget the people na nasa harap natin, nasa tabi natin. We don’t only get validation from social media, mas tuunan natin ng pansin ang mga taong nandyan sa tabi natin. Mabilis ang oras, sulitin natin hanggat nahahawakan pa natin ito. 🙏🏻” 

Sa huli, pinasalamatan ni Kim ang mga naging bahagi ng kanilang matagumpay na performance. Mula sa mga kagrupong sina Ion at Jhong hanggang sa buong “It’s Showtime” family.

“TEAM JKI thank you!❤️ direk @jonmoll thank you po!” saad pa ni Kim.

Nakatanggap sina Kim ng tumataginting na ₱300,000 sa kanilang pagkapanalo. 

Ang team naman nina Anne Curtis, Ogie Alcasid, at Ryan Bang na nasungkit ang ikalawang gantimpala ay nag-uwi ng ₱200,000. 

Sina Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, at Vhong Navarro na nakakuha ng ikatlong gantimpala ay nagkaroon ng ₱100, 000.

Ang mga runner up naman na sina Vice Ganda, Jackie Gonzaga, Cianne Dominguez, Karylle, Amy Perez, Lassy, at MC ay binigyan ng ₱50, 000.

Samantala, masayang-masaya at proud na proud naman para kay Ion ang asawa niyang si Vice Ganda.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, masayang-masaya sa pagkapanalo ni Ion sa ‘Magpasikat 2023’

MAKI-BALITA: Vice Ganda, proud kay Ion: ‘Kakampihan kita araw-araw’