Inamin ni Kapamilya actress Janine Gutierrez na noong bata pa siya, hindi niya pinangarap maging artista dahil natatakot siya sa pressure na baka hindi niya maabot, mapantayan, o malagpasan ang narating sa showbiz ng kaniyang inang si Lotlot De Leon at mga lolang sina Pilita Corrales at Superstar Nora Aunor.

Nabanggit ito ng "Dirty Linen" star sa renewal of contract niya sa ABS-CBN kamakailan.

"Hindi ko pinangarap na maging kasing-sikat ng mga kamag-anak ko kasi grabe 'yong pressure at intimidation. Noong bata ako, ayokong mag-artista kasi feeling ko, hindi ko kayang ma-achieve 'yong na-achieve ng nanay ko or ng mga lola ko."

Si Janine ay nagmula sa angkan ng mga artista. Anak siya ng aktor na si Ramon Christopher Gutierrez at Lotlot De Leon, kaya apo siya nina Pilita Corrales at Eddie Gutierrez (paternal grandparents).

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Adoptive grandparents naman niya sina Christopher De Leon at Superstar Nora Aunor.