Napansin na ulit ng mga "matanglawing" netizen na nag-followan na ulit sa Instagram ang mag-jowang James Reid at Issa Pressman.

Matatandaang kahapon ng Sabado, Nobyembre 11, naging usap-usapan sa social media ang pag-unfollow raw sa isa't isa ng magjowa sa nabanggit na social media platform.

Marami ang napatanong kung anong nangyayari sa pagitan ng dalawa, na kamakailan lamang ay nag-flex ng ka-sweetan sa isa't isa, sa social media man o sa mga event na pinuntahan nila nang magkasama.

Sa showbiz, tila nagiging "signos" o palatandaang on the rocks ang relasyon ng mag-jowa kapag nag-unfollowan na sa social media accounts.

Pero kung iisa-isahin ang previous posts nila, hindi pa burado ang mga photo nila together. Ang latest nga ay nang dumalo sila sa "Opulence Ball" noong nakaraang Halloween.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

MAKI-BALITA: Signos? Netizens, pansing nag-unfollowan sa IG sina James Reid, Issa Pressman

Ngunit bago matapos ang gabi kahapon ay namataan na raw na muli na silang naka-follow sa isa't isa.

Photo courtesy: Issa Pressman (IG) via Kapamilya Online World (FB)

Photo courtesy: James Reid (IG) via Kapamilya Online World (FB)

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag mula kina James at Issa tungkol dito.