Namayapa na sa edad na 17 ang dating contestant ng “The Voice Kids Season 3” na si Yohance Levi A. Buie noong Biyernes, Nobyembre 10, halos isang buwan bago ang kaniyang ika-18 kaarawan.

Sa inilabas na post ng Virtual Playground Global, isang talent management agency sa bansa, inanunsiyo nila ang bigat na dulot ng pagpanaw ni Yohance.

“It is with heavy hearts that we announce the passing of YOHANCE LEVI A. BUIE. We are deeply saddened by this loss, and our thoughts and prayers go out to his family and loved ones during this difficult time,” pahayag ng talent management agency.

“Yohance Buie was a remarkable talent who shone in the entertainment world. His journey began on ABSCBN's The Voice Kids, where his powerful voice and stage presence captivated audiences and judges alike,” anila.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Bukod sa pagkanta, ipinakita rin umano ni Yohance ang kaniyang husay sa pag-arte nang gumanap siya sa “Day Zero” ng Reality MM Studios na mapapanood sa Amazon Prime. Nagpatuloy pa ang kaniyang pagganap nang maitampok siya sa Regal’s YouTube series na "The Day I Loved You".

Dagdag pa nila: “His passion and dedication to his craft were evident in every role he took on, and he will be remembered for the indelible mark he left on the world of entertainment.”

Maaaring makita ang mga labi ni Yohance sa St. Peter's Antipolo. Bukas ito para sa mga nagnanais magbigay-pugay sa alaala ng namayapang contestant.

Bagama’t hindi nagbigay ng detalye ang Virtual Playground Global tungkol sa sanhi ng pagkamatay ni Yohance, nagpaalala sila sa publiko na kung sakali mang may makaranas ng mental distress, agad na pumunta sa pinakamalapit na pagamutan.

“If you are experiencing current mental distress and are in need of URGENT ATTENTION, please proceed to the emergency room of the hospital nearest you. You can also call the following numbers: * DOH-NCMH Hotline: 0917-899-8727 or 02-7989-8727” saad nila.

Matatandaang naging bahagi si Yohance ng Team Sharon (Cuneta) ng nasabing reality singing competition noong 2016.