Tila walang mapaglagyan ang saya ng “It’s Showtime” host na si Vice Ganda sa naging resulta ng “Magpasikat 2023,” kung saan nanalo ang team ng kaniyang asawang si Ion Perez.

Nitong Sabado, inanunsyo na ang mga nagwagi sa “Magpasikat 2023” kung saan nagtagisan ng galing at talento ang mga host ng noontime show.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Itinanghal na grand winner ang team nina Jhong Hilario, Kim Chiu, at Ion Perez.

Maki-Balita: Team Jhong, Kim, Ion, wagi sa ‘Magpasikat 2023’ ng It’s Showtime

"Ang saya ko. Ang saya ng maraming tao. Ang saya ko na ang saya ng maraming tao. Ang saya saya ko! Thank you Lord! Happy Anniversary Madlang People!” saad ni Vice Ganda sa kaniyang X post.

https://twitter.com/vicegandako/status/1723243653240672261

Matatandaang isang nakakaantig na mensahe ang ipinaabot ni Vice kay Ion matapos ang performance nito noong Biyernes.

“‘Di ba sabi ko sa ’yo, araw-araw mamahalin kita kasi kakampihan kita araw-araw, ipagdadasal kita araw-araw, yayakapin kita araw-araw, dadamayan kita araw-araw. Araw-araw sasamahan kita. Mahal na mahal ko ‘yan. Proud na proud ako sa ’yo,” dagdag pa niya.

Maki-Balita: Vice Ganda, proud kay Ion: ‘Kakampihan kita araw-araw’

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nanalo si Ion sa Magpasikat ng It’s Showtime.

Congratulations, Ion!