
(LTO/FB)
Anti-colorum drive, pinaigting pa ng LTO--Driver, operator ng passenger van, kinasuhan
Kinasuhan ang isang driver at operator ng isang colorum passenger van matapos mnahuling nag-o-operate sa Quezon City kamakailan.
Sinabi ni Land Transportation Office (LTO) chief Vigor Mendoza II, kabilang sa sinampahan ng kaso sa Quezon City Prosecutor's Office sina Benito Ollete, taga-Tondo, Maynila at operator na si Julhapas Tantong, taga-Marilao, Bulacan.
Ang kaso aniya ay may kaugnayan sa paglabag sa Republic Act 11659 o Public Service Act.
Hindi aniya lalagpas sa ₱2 milyon ang magiging multa o pagkakakulong ng aabot sa 12 taon ang katumbas na parusa sa nasabing paglabag.
“Ito ay isang patunay lamang na seryoso ang inyong LTO na wakasan ang ganitong klaseng iligal na gawain na nakakaperhuwisyo sa mga legitimate transport operators,” pahayag ni Mendoza.
Matatandaang nahuli si Ollete matapos harangin ng mga tauhan ng LTO ang minamanehong van sa Balintawak, Quezon City kamakailan dahil sa ilegal na pamamasada.