Natatawa na lang daw ang batikang aktor na si Joko Diaz kapag nababasa niya sa ilang online sites sa internet na 55 anyos na siya.

Sa kaniyang Instagram posts, nilinaw ni Joko na hindi pa siya 55 kundi 47 taong gulang!

Inihalimbawa ni Joko ang site na Wikipedia kung saan nakalagay raw doon na 55 anyos na siya.

"Nakakaaliw lang po tignan sa Wikipedia at Google at sa iba pa, na ako po ay mas matanda sa totoo ko pong edad,” aniya sa Instagram story.

National

143 Pinoy, pinagkalooban ng pardon ng UAE – PBBM

“Ako po ay born April 26 1976. 47 pa lang po ako:) salamat po,” pahayag pa ng aktor.

Sa isa pang Instagram post ay ibinahagi naman ni Joko ang isang throwback photo ng una niyang pelikulang kinabilangan; ang "Ulo ng Gapo" noong 1985. Nakasama niya sa nabanggit na pelikula ang mga pumanaw na action stars gaya nina Rudy Fernandez, Eddie Garcia, at amang si Paquito Diaz.

"Kahit po ako ang bata sa Ulo ng Gapo. Hindi po ako 55 yrs old, 47 lang 😜," aniya.

Kung titingnan ang Wikipedia ngayon ay tila na-edit na ang edad ni Joko, in fairness!

Aktibo pa rin si Joko sa showbiz. Kabilang siya ngayon sa panghapong seryeng "Nag-aapoy na Damdamin" nina Jane Oineza, Ria Atayde, Tony Labrusca, at JC De Vera na kauna-unahang collaboration project ng ABS-CBN at TV5.

Bukod diyan, kabilang din siya sa ilang pelikulang napapanood sa Vivamax gaya ng "Litsoneras."