Tila nagkaroon ng iringan sa pagitan nina social media personality at singer-comedian Janno Gibbs sa set ng isang show sa TV5 noong Huwebes, Nobyembre 9.

Sa Facebook post kasi ni Rendon nitong Biyernes, Nobyembre 10, nagpahayag siya ng saloobin tungkol sa nangyari sa nagdaang shooting ng “Men’s Room”, isang talk show sa TV5.

“NAGBABAGO NA AKO PERO WALA NAMAN SANA GANYANAN🤦‍♂️ Maraming salamat sa TV5 sa napakagandang experience kagabi,” saad ni Rendon sa caption ng kaniyang post. 

Dagdag pa niya: “Shoutout po kay Janno Gibbs! at sa TV5 The Mens Room! Sana hindi nalang ako ang inimbita ninyo kung hindi ninyo pala kaya ang realtalk at mabibigat na salita 😅”

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Bukod daw kasi sa kaibigan umano nito si Michael V., may tampo rin umano ito sa kaniya. 

Matatandaang isa si Michael V. sa mga binanatan ni Rendon kamakailan matapos niya itong tawaging laos. 

MAKI-BALITA: Michael V, iba pang mainstream celebs tinawag na ‘laos’ ni Rendon Labador

“Una sa lahat, nag paliwanag na ako tungkol dito at alam naman na ninyo na realtalk at mabigat talaga ako mag salita. Dapat hindi nalang ako ang inimbita. Professional po akong pumunta sa show ninyo sana naging professional din kayo,” ani Rendon.

Sabi pa niya: “Nag walk out si Janno habang nag sshoot kami kagabi, grabe🤦‍♂️”

Kaya hindi raw tiyak ng social media personality kung ilalabas ng TV5 ang episode na kaniyang kinatatampukan. Pero buti na lang daw ay nakapag-vlog sila noong mga oras na sino-shoot ang programa.

Pahabol pa ni Rendon: “Basta ako ayaw ko na ng away at mga issue, nag babago na ako pero huwag ninyo ako piliting bumalik sa dati, yun lang. #LabLabLabador❤️” 

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag, reaksiyon, o tugon si Janno hinggil dito.