Ibinahagi ni “Star For All Seasons” Vilma Santos ang isa sa mga pagsubok na pinagdaanan niya sa buhay.

Sa eksklusibong panayam ni showbiz columnist Cristy Fermin kamakailan, tinanong niya si Vilma kung nakapag-heal na umano ang batikang aktres mula sa isyung kinasangkutan ng kaniyang anak na si Luis Manzano.

Matatandaan kasing nasangkot noong Pebrero si Luis sa Flex Fuel Petroleum Corporation investment scam.

MAKI-BALITA: NBI, naglabas ng subpoena vs Luis Manzano dahil sa umano’y investment scam

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Masyadong masakit ‘yung naramdaman ko noon. Kasi unang-una kilala ko ‘yung anak ko. And alam ko kung saan nanggaling. Dahil ‘yung mga taong bumiktima sa kaniya itinuring ko ding mga anak,” saad ni Vilma.

Sa katunayan, naging kaklase pa umano ni Luis ang mga ito noong elementary. May mga pagkakataon din na kasama nilang naghahapunan ang mga ito every other week.

“But I didn’t expect na kaya nilang gawin ‘yun sa anak ko. Lalo na kay Lucky [Luis].  Kasi obvious na ang nangyari kay Lucky ginamit ‘yung pangalan,” dagdag pa ni Vilma.

Masakit daw para kay Vilma na tawaging scammer ang anak niyang si Luis. 

Pero mas masakit umano na hindi siya puwedeng magsalita noong mga panahon iyon para ipagtanggol ang kaniyang anak. 

Maliban na lang nang sumalang siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan niya naibuhos umano ang lahat.

MAKI-BALITA: Vilma Santos sa kinahaharap na mga reklamo ni Luis: ‘Ang anak ko tumutulong, hindi nanloloko’

Sa kasalukuyan, nalinis na noon pang Agosto ang pangalan ni Luis kaugnay sa kasong isinampa sa kaniya na syndicated estafa.