Nag-walk out ang aktres na si Bianca Manalo habang kinukunan ang isang eksena sa teleseryeng “Magandang Dilag.”

Ispluk niya sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes, Nobyembre 10, napa-walk out talaga siya dahil hindi sinabi sa kaniya na may totoong uod sa isang eksena.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Takot ako talaga sa kahit anong creepy crawlies 🐛. Hindi sinabi ng production na totoong worms yung mabubuksan namin ng Elite Squad,” aniya.

“So totoo yung sigaw ko and napa walk out talaga ako ng scene kahit hindi pa cut sa takot. 😣😖😭✌🏻" dagdag pa nito.

Ginagampanan ni Bianca ang karakter ni Riley Tevez-Illusorio, isa sa mga kontrabida sa “Magandang Dilag.”

Pinagbibidahan naman ni Herlene Budol ang naturang teleserye.