Matapos ang special appreance at reconciliation nina Vice Ganda at Billy Crawford sa "It's Showtime" dahil sa Magpasikat performance ng team ng una kasama sina Jackie at Cianne nitong Huwebes, Nobyembre 9, trending din sa X ang "Kuya Kim."

Tinatanong kasi ng mga netizen si Vice Ganda kung kailan naman ang guesting ni Kim Atienza sa nabanggit na programa, at kung kailan naman ang "healing" sa pagitan nila.

Matatandaang sinabi ng mga netizen na tila may "gap" sa pagitan nina Kuya Kim at Vice Ganda dahil sa ilang mga naging hirit nila sa social media, at sa isyu rin umano ng pa-shade at "parinigan."

MAKI-BALITA: ‘Da hu?’ Vice Ganda, Vhong Navarro inunfollow ng celebrity na pareho nilang beshie

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

MAKI-BALITA: Kuya Kim, nag-react sa ‘parinig’ ni Vice Ganda

MAKI-BALITA: ‘Sawsawero daw?’ Kuya Kim, trending pa rin dahil kina Vice Ganda at Karylle

MAKI-BALITA: Vice Ganda, kinumpirmang okay sila ni Karylle; may pasaring kay Kuya Kim?

At dahil nabanggit na si Kuya Kim, nabanggit na rin ang pangalan ng dating direktor ng "It's Showtime" na si Direk Bobet Vidanes.

Magkakaibigan sina Billy, Kuya Kim, at Direk Bobet at paminsan ay nagkaka-bonding sa kanilang hobby.

Matatandaang naging isyu ang pag-alis ng direktor sa Showtime dahil sa "toxic environment."

MAKI-BALITA: Direk Bobet sa paglayas sa ‘It’s Showtime’: ‘Mamamatay ako nang maaga’

MAKI-BALITA: Vice Ganda, rumeresbak nga ba kay Direk Bobet sa kaniyang ‘pasaring’ sa It’s Showtime?

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Okay natutuwa n kayo n andun billyband colleen but then THERE IS KUYA KIM ANF DIREK BOBET na masasabi namin INDEED THERE IS PEACE."

"Kay Kuya Kim, about kay K na parang binasag/di sinalo daw ni Vice yung joke ni K tapos hindi nabawi, parang napahiya daw.

Yung kay Bobet, well, sya nagsimula nun. Toxic na daw Showtime kaya umalis.. Kay Billy di ko alam basta nagulat na lang ako di pala sila ok noon."

"Sana Kuya Kim din at Ms. Jessica Soho, para the world is healing na talaga. #Magpasikat2023ViceJackieCianne."

"Billy Crawford on It’s Showtime again hits different. Para sa mga solid showtimer, nakakaiyak. Kuya Kim could never. 💀 #ShowtimeMagpasikat2023."

"sana c kuya kim alex at toni G din sinama ni vice!! the world is healing talaga un .. nakakaiyak lang panoorin!!"

"sana guests din c kuya kim c alex at toni G.. dat means the world is healing also!! nakakiyak lang"

"Kailan naman ang healing at dream forgiveness ni Kuya Kim @kuyakim_atienza at Vice Ganda @vicegandako after ng reconciliation nila ni billy #ShowtimeMagpasikat2023."

https://twitter.com/missjensane2/status/1722497243960451307

"kontrolado pero for sure In God's time magheheal sila parepareho at magkakaayos we never know next time direk bobet kuya kim na nakikita ntin na back in showtime's stage

https://twitter.com/atekztersOJD14/status/1722497112401977753

"Sana nandyan din si kuya kim. Para kompleto at masayang masaya. ☝️❤️😍."

https://twitter.com/jonalyndmtr_/status/1722497223588745346

"same with direk bobet and kuya kim for sure time will come na magheheal silang lahat at mgiging ok umpisa ng showtime sila sila magkakasama and kaya sila nasaktan kasi sobrang mahal nila ung isat isa nagkataon lng na may sitwasyong ndi nila pare parehong #ShowtimeMagpasikat2023."

https://twitter.com/atekztersOJD14/status/1722497110619394297

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo nina Vice Ganda, Direk Bobet at Kuya Kim tungkol dito.

MAKI-BALITA: Vice Ganda at Billy, nagkaayos na: ‘Okay na okay na kami!’

MAKI-BALITA: Billy at Coleen ‘bumalik’ sa It’s Showtime