Tila may sagot na si showbiz columnist-talent manager Ogie Diaz sa ngitngit ng fans ng KathNiel at ni Andrea Brillantes hinggil sa naispluk niyang tsika mula sa isang source, na umano'y palihim na nagkikita sina Daniel Padilla at Andrea, na dahilan daw ng pagseselos ni Kathryn Bernardo.

Mapapanood ito sa latest vlog ng "Ogie Diaz Showbiz Update" kasama sina Mama Loi at Tita Jegs.

Trending tuloy sa X ang "OGIE DIAZ FAKE NEWS PEDDLER" dahil paratang ng mga netizen, nagbabalita raw siya nang hindi naman pala confirmed.

Kung papanoorin ang vlog, sinabi ni Ogie na sana ay hindi totoo ang nakarating sa kaniyang balita na sitsit naman ng isang source.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Sinabi rin ni Ogie nawala siyang kinukumpirmang kahit ano dahil mas mainam na marinig ang panig ng mga sangkot at sa kanila mismo manggaling ito.

Sa X ay nagpakawala ng post si Ogie hinggil sa pagiging trending niya.

"May naibalita lang kami na sinabi naman namin na di pa confirmed at sana di totoo, fake news peddler na raw kami. So pag tama ba kami, sasabitan nyo kami ng medalya?," aniya.

https://twitter.com/ogiediaz/status/1722527469759238381

Sa comment section ay binanatan si Ogie ng X users.

"Pwede ko po bang ibalita na may bagyo kahit di sure? hehe."

"Linisin nyo kalat nyo! Nang dahil sa inyo lalo tuloy nabash si B! Kung ano-anong lait na yung natatanggap nya. Paano nyo yan maaayos?"

"Alam nyo naman kasi kung ano magiging resulta ng pinakalat nyo! Kung gusto nyo manira..sana buhay nyo nalang sinira nyo! Di yung nandadamay pa kayo ng ibang tao."

"The audacity. If something is not confirmed, then don't say it. You have no evidence. What you did was pure slander and could lead to [you being sued.] But again I'm not suprised. This isn't the first time you've spread lies about Andrea."

"so di pala confirm bakit nyo binalita alam nyong daming uto uto kayo ngayon.dahil sa balita nyo na yon mag images na nasisira paki linis na lang po."

Sa kabilang banda, may mga nagtanggol din naman kay Ogie.

"HINDI kasi may mga FC na pag may medyo taliwas sa paniniwala nila ang balita about IDOL nila nagwawala cla.

@ogiediaz hindi mo na [responsibilidad] na turuan sila sumuri ng balita kung PANINIRA o simpleng balita na hinahain mo kasi may usok at di ibig sabihin may katotohanan."

"Parang di kayo nag grade 2! May disclaimer nga eh! Asan utak nyo? Nasa Kuko?? 🤪😝 paki block na lang Mama OGS!

@ogiediaz."

"Dedma Papa Ogs ikaw at ang Ichika mo na dali ang pinakamaganda, balanse at may puso na showbiz talkshow entertainment."

"Sinabi naman sa vlog na hindi pa confirmed at nasabi lang sa kaniya, isa pa celebrity naman sila eh. Trabaho ni Mama Ogs 'yan."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng KathNiel at ni Andrea tungkol dito.

MAKI-BALITA: Fans nagwala: Ogie Diaz trending sa X

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, di bet makatrabaho si Andrea Brillantes?