Kinubra na ng isang 46-anyos na Caviteño ang napanalunang mahigit ₱147 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola noong Oktubre 15, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

“Hindi ko alam na ako yung nanalo kaya inulit kung tinitingnan results ng draw sa Facebook,” saad ng instant millionaire sa PCSO nang kubrahin nito ang premyo noong Oktubre 17.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Dagdag pa niya, ang kaniyang pagpili ng winning combination na 47-35-02-13-38-17 ay Lucky Pick (LP) o system-generated lamang.

Plano naman ng lucky winner na gamitin ang ₱147,354,716.40 sa pagpapagawa ng bahay nila sa probinsya.

Samantala, nagpaalala rin ang PCSO ang lahat ng lotto winnings na lampas sa ₱10,000 ay papatawan ng 20% buwis, alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.