Nagdulot ng good vibes ang "contract signing" ng isang tatay na isang pulis at kaniyang anak na apat na taong gulang patungkol sa pagbo-boyfriend.

Ayon sa ulat ng "Balita Ko" na inihatid naman ng GMA Integrated News, pabirong pinapirmahan ni Allan, ang ama ng batang si Alex, ang kasunduang "No boyfriend until 2053" o hangga't hindi pa siya nakatutuntong sa 30 anyos. Only child siya nina Allan at misis niyang si Jenny.

Makikita sa video na noong una ay ayaw pang pirmahan ni Alex ang "kontrata" subalit hindi naglaon ay nilagdaan din niya ito.

Sa comment section ng ulat tungkol dito ay umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

"Nakakatuwa po...šŸ˜ Sa pamilyang pinoy, way of lambingan lng yan...huwag nyo npo patulan o i-bash.Makikita po ntin jan ung literal na pgging inosente ng bata kc d nya alam kung ano ung pinipirmahan nya.šŸ˜ Dat someday she will definitely understand...Tayo po ang higit na nakakaunawa, kya sakyan nlng ntin katuwaan ng pamilyang pinoy. ā¤ļø Spread love, not hate."

"Its good..... Lets pray for it. I know tbis child would treasure this beautiful agreement ..... What is important is the love, care and good intentions of the Father.... A childs mind and heart is like a sponge it can absorb all the positive and negative lessons in life , love and care she receives......"

"People, father and daughter are just having fun."

"Katuwaan lang 'yan guys, huwag masyadong seryosohin nakakaloka kayo..."

Mapapanood ang video ng kulitan ng mag-ama sa FB page na "Life with Alex" na inupload noong Oktubre 31.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ā€˜di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingĀ FacebookĀ atĀ Twitter!