Ibinahagi ni Senator Robinhood “Robin” Padilla ang tagumpay ng asawa niyang si Mariel Rodriguez-Padilla sa kaniyang Facebook account nitong Miyerkules, Nobyembre 8. 

Makikita kasi sa art card na ipinaskil ni Robin ang larawan ni Mariel bilang Sapphire Elite Executive ng I Am Worldwide, isang kompanya na naglalayon umanong pataasin ang kalidad ng buhay ng tao sa pamamagitan ng pagtatayo ng sariling negosyo.

“Ang masipag ko na asawa. Walang arte. Hindi pasosyal. Proud na Tindera sa Sari sari store sa panahon ngayon. Kumikita ng sarili at marami pang natutulungan kasama na ako. Congratulations my babe,” saad ng senador sa caption ng kaniyang post.

Sa huli, pinasalamatan ni Robin ang mga tumangtangkilik sa kompanyang pinagtatrabahuhan ng kaniyang asawa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Maraming Maraming salamat po sa mga tumatangkilik ng I AM worldwide. In shaa Allah ay tanggapin ng ating katawan ang magandang epekto sa kalusugan ng mga produktong ating iniinom dahil ang tunay na kayamanan ay ang ating Magandang kalusugan. Health is wealth,” saad pa niya.

Nagpaabot naman ng pagbati ang mga netizen para kay Mariel. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Sobrang nakaka-Proud po Senator.. Congratulations Mentor Mariel Rodriguez Padilla 🎉🤩🥳🥰 Keep it up! ☝🏼🙏🏼🥳”

“Grabe nakaka proud po kayong magaswa saludo kami senator Robin Padilla and Mentor Mariel Rodriguez Padilla .🩷👏👏👏🙏”

“Congrats mentor👏👏👏 road to 1M”

“Congratulations maam Mariel Rodriguez Padilla”

“Congratulations Mariel🎉💐”

“Totoo Sen Robin Padilla .. Go lagi si Mumshy Ma 💖🫶🏻”

Tila totoo nga talagang masipag si Mariel. Dahil kung matatandaan, kamakailan lang ay nag-live selling siya. Ang kaso nga lang, tila nahagip sa video ang alaga ng kaniyang mahal na asawa. 

MAKI-BALITA: ‘Alaga’ ni Robin nag-hello sa live selling ni Mariel; Ogie, may ‘patotoo’