Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang mga organisasyong tumulong sa muling pagbangon ng Tacloban City sa simula ng kaniyang talumpati para sa “10th Year Yolanda Commemoration” nitong Miyerkules, Nobyembre 8.
“I know that everyone here had a part to play in the recovery but we cannot overstate the importance of the efforts of the different countries who came to the Philippines to assist: the NGOs, the international NGOs, the local NGOs that came and your help with the rebuilding and the rehabilitation and the recovery,” pahayag ni PBBM.
Malinaw pa umanong naaalala ng pangulo kung gaano kasalat ang pamahalaan sa tulong na maibibigay para sa mga nasalanta noong panahong iyon.
“I remember when I first arrived in Tacloban, there were three vehicle in the whole of Leyte that were still functioning,” sabi ng pangulo.
At sa kabila umano ng kasalatang ito, dumating ang iba’t ibang pribadong organisasyon mula sa loob at labas ng bansa at nagpaabot ng iba’t ibang uri ng tulong para sa mga biktima ng nasabing bagyo.
Kaya naman, imposibleng hindi bigyang-diin kung gaano kalaki ang naitulong ng mga organisasyong ito sa Tacloban mula noong manalanta ang Yolanda at hanggang sa sumunod pang mga taon ng kanilang pagbangon.
“You stayed with us and stayed with us for years until you could see that we had recovered. And for that, we owe you a debt of gratitude that we will never be able to repay,” saad pa ni PBBM.
Samantala, bukod sa pangulo, nagbigay rin ng mensahe si Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte para sa pag-alala sa super typhoon Yolanda.
MAKI-BALITA: VP Sara may mensahe kaugnay ng typhoon Yolanda commemoration