Nasa 500 sa 5,000 pamilyang nakatira sa Sitio San Roque, Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City ang nakatakdang mag-rally sa harap ng gusali ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa Quezon Avenue, Brgy. South Triangle sa nasabi ring lungsod sa Huwebes upang tutulan ang umano'y planong demolisyon sa naturang lugar.

Sa panayam, sinabi ni Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) chairperson Estrelita "Ka Inday" Bagasbas, itataon nila ang rally sa ipatatawag na pre-demolition conference (PDC) ng PCUP, kung saan dadaluhan din ng mga opisyal ng National Housing Authority (NHA) at mga kinatawan ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB).

Dakong 9:00 aniya, magtipun-tipon ang mga miyembro ng mga grupong maralita sa harap ng PCUP building upang kondenahin ang hakbang ng pamahalaan laban sa kanilang hanay sa nabanggit na lugar.

Ang mga nasabing grupong maralita ay nakapaloob sa Kadamay, pinakamalaking alyansa ng urban poor organizations sa Pilipinas.

Atty. Claire Castro, wala sa hinagap maging PCO Undersecretary

"Hindi kami kasama sa PDC, kasi alam nilang tututulan namin ang kanilang hakbang na i-demolish ang mga grupong maralita dito sa Sitio San Roque," sabi ni Bagasbas.

Aniya, posible ring hindi na kumuha ng certificate of compliance ang NHA mula sa City government sa pagsasagawa ng demolisyon dahil gagamitin umano nito ang Republic Act 1472 na nagbibigay ng kapangyarihan ahensya upang paalisin ang mga residente sa mga proyekto ng pamahalaan.

Posibleng unahing gibain ang mga residente sa Area H at Palo China (creekside), ayon pa sa Kadamay.