Tampok sa usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Wendell Alvarez ang tungkol kina Arra San Agustin at Paolo Contis sa latest episode ng “Showbiz Now Na” nitong Lunes, Nobyembre 7. 

Kamakailan lang kasi ay usap-usapan ang sweetness ng dalawa sa noontime show na “Eat Bulaga”.

MAKI-BALITA: ‘Co-hosting as a friend?’ Paolo Contis, Arra Agustin sweet sa Eat Bulaga

Naungkat tuloy ni Cristy ang isa sa mga babala ng mga tao kay Kapamilya actress Yen Santos nang maging jowa niya si Paolo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Di ba noong naghiwalay sila ni LJ [Reyes] ang sinasabi ng mga tao, ‘Hay naku, Yen, karma is just around a corner. ‘Yun ang sinusumbat sa kaniya [Yen]  ngayon ng mga tao,” sabi ni Cristy.

Matatandaan na si Yen ang itinuturong dahilan ng hiwalayang Paolo at LJ.

MAKI-BALITA: Yen Santos, lubhang apektado sa pagkakadawit sa Paolo-LJ breakup

Kaya naman sangkatutak pa rin ang haters nina Paolo at Yen kahit ilang ulit nang itinanggi ng aktor na wala umanong kinalaman si Yen sa hiwalayan nila ng dating asawa.

MAKI-BALITA: Relasyon nina Paolo Contis at Yen Santos sandamakmak pa rin ang haters

MAKI-BALITA: Paolo Contis, inaming dyowa na si Yen Santos, pero di raw dahilan ng hiwalayan nila ni LJ Reyes

MAKI-BALITA: Paolo, nagsalita na ukol sa hiwalayan nila ni Lj; Yen Santos, prinotektahan

Pero para sagutin ang tanong kung dumating na nga ba ang karma ni Yen, mukhang hindi pa naman sa ngayon.

Sabi nga ni Cristy, abangan na lang umano kung anoman ang mangyayari hinggil sa isyung ito. Huwag magpaloko dahil baka gimik lang daw ang tungkol kina Paolo at Arra. 

Dahil kung tutuusin, wala pa namang reaksiyon o pahayag ang mga sangkot na artista hinggil dito.