Pinabulaanan ni Raquel Pempengco, nanay ni Jake Zyrus (Charice Pempengco noon) ang kumakalat na tsikang muling lumalapit at nakikiusap ang anak kina Oprah Winfrey at David Foster para bigyan ulit siya ng break sa pagkanta.

Aminado si Mommy Raquel na simula nang magdesisyon ang anak na "baguhin" ang kaniyang sarili ay humina na rin ang market nito. Kung real talk lang din umano ang pag-uusapan, kahit siya ay hindi mag-iinvest sa anak sa lagay nito ngayon.

"Hindi naman totoo 'yon, na bumabalik... kasi siyempre ikaw na rin ang mag-iisip, pinutol na nila 'yong ano... kung ako rin naman si Oprah, bakit ko pa tutulungan 'yong ganiyan ang hitsura kung hindi na talaga siya ano sa market," aniya.

"Kung imamarket nila 'yong katulad niya (Jake) mahihirapan sila," dagdag pa ni Raquel.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Siyempre daw ay sariling pera ang ilalabas nila, hindi raw katulad ng host na si Ellen DeGeneres na talagang sariling pera ang pinapaluwal.

Maski raw si David Foster ay nagtanong daw sa kanila kung kaya pa ni Jake kumanta ng "birit songs" kagaya ng Barry Manilow songs.

Kaya lamang, di raw talaga maiiwasang mag-iba na ang timbre ng boses ni Jake nang sumailalim na ito sa sex change. Maganda pa rin naman daw ang quality subalit hindi na kagaya noon na talagang bumibirit pa siya ng "All By Myself," "I Have Nothing," at iba pang pambabaeng kanta.

Sa nabanggit na panayam, sinabi ni Mommy Raquel na handa siyang maghintay habambuhay sa muling pagbabalik sa kaniya ni Jake.

MAKI-BALITA: Jake Zyrus, hihintayin ng nanay bumalik hangga’t may hininga pa