Humingi ng paumanhin si Kapamilya star Ivana Alawi sa isang netizen na nagkomento sa kaniyang ibinahaging larawan nitong Lunes, Nobyembre 6.

Makikita sa larawang ibinahagi ni Ivana na siya’y nakasuot ng one piece high neck swimsuit habang nakasakay sa isang yate. Samantala, matatanaw naman ang matatayog na bundok sa kaniyang likuran.

“Day off 🌞” saad ni Ivana sa caption ng kaniyang post.

Dahil sa litaw na alindog, hindi na naman tuloy napigilan ng mga netizen na pagpiyestahan ang larawan ni Ivana. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pero sa libo-libong nagkomento, tila isa lang ang masuwerteng nakapukaw sa atensyon ng aktres. Narito ang komento ng mapalad na netizen:

“Bubble's masyado nyo ako nasaktan ni Tanggol 🥺”

Sagot naman ni Ivana: “sorry na 🤪”

Si “Bubbles” ay ang karakter na ginagampanan ng aktres sa teleseryeng “FPJ’s Ang Batang Quiapo” samantalang si Coco Martin naman ang gumaganap bilang “Tanggol”.

Matatandaang kamakailan lang ay inilabas na ang bagong trailer ng nasabing teleserye at matutunghayan doon na tila “sinulit” ni Coco sa kama si Ivana.

MAKI-BALITA: Sey mo, Julia? Coco ‘sinulit’ si Ivana sa Batang Quiapo