Solong-solo ng taga-Quezon City ang higit ₱107 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes ng gabi, Nobyembre 6.

Ayon sa PCSO, nahulaan ng lucky winner ang winning numbers na 13-31-16-01-25-10 na may tumataginting na ₱107,506,074.20 na premyo.

24-anyos mula sa Pasig, instant milyonaryo sa Mega Lotto

Dagdag pa ng ahensya, nabili ang winning ticket sa Brgy. Pinyahan sa Quezon City.

May be an image of text that says 'PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE BAGONPILIPINAS CONGRATULATIONS! MEGALOTTO 6/45 NATIONAL JACKPOT LOTTER WINNER Monday, November 6, 2023 13 31 16 01 25 10 WINNING COMBINATION JACKPOT Php107,506.074. PRIZE One (1) Winning Ticket was bought in Brgy. Pinyahan Q.C. *Prizes Php10,000. subject 20% pursuant winnings should claimed year from date f /pcsoofficialsocialmedia TRAIN Law. otherwise the same would 18+ /PCSO GOV forfeited form part the Charity Fund. www.pcso.gov.ph'

Upang makubra ang premyo, pumunta lamang sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at dalhin ang winning ticket at dalawang valid ID.

Ang premyong napanalunan na lagpas sa ₱10,000 ay sasailalim sa 20 porsiyentong tax na alinsunod sa TRAIN Law.

Ang lahat naman ng premyo na hindi makukubra, sa loob ng isang taon, mula sa petsa nang pagbola dito, ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kanilang Charity Fund.

Binobola ang Mega Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes

Kaugnay na Balita: 24-anyos mula sa Pasig, instant milyonaryo sa Mega Lotto