Sinariwa ni award-winning actress Sylvia Sanchez ang alaala ng kasal ng anak niyang si Arjo Atayde sa kaniyang Instagram account noong Linggo, Nobyembre 5.

“Tandang tanda ko pa ang araw ng kasal mo. Pagkagising ko pinuntahan kita sa room mo, kabado at naiiyak ako pero sobrang saya ko at kinulit kulit pa kita,” saad ni Sylvia sa caption ng kaniyang post.

“Nakita kong ganoon din ang nararamdaman mo, kabado, masaya at naluluha luha pero kahit pilit mong tinatago sa akin ang tunay mong nararamdaman kitang kita ko yon nak😊Kaya dali dali kitang pinustahan kung sino unang maiyak sa ating dalawa sa kasal mo, talo!!!! Bayad😆😆😆,” aniya.

Pero tumanggi umano si Arjo na makipagpustahan ng ₱5M sa kaniya dahil alam nitong matatalo lang ito. Nanghinayang tuloy siya sa mapapanalunan.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“Anyway, today is your 1st Birthday na may Asawa ka na. Nasa tamang Path ka @arjoatayde sa pagiging Anak, Kapatid, Actor, Public Servant at sa pagiging Asawa ❤️” saad ni Sylvia.

Dagdag pa niya: “Masaya ako para sayo at higit sa lahat masaya ako kasi nakikita kong sobrang masaya ka at mahal mo at mahal ka ng mga in laws mo at sobbbbrang saya mo lalong lalo na sa piling ng asawa mong si Maine😃”

“Maine nak, salamat sa pag aalaga at pagmamahal mo kay Arjo,” sabi pa ni Sylvia.

Sa huli, binati niya ng maligayang kaarawan ang anak at ipinahayag ang kaniyang pagmamahal para dito.

Matatandaang ikinasal sina Maine at Arjo noong Hulyo nitong kasalukuyang taon.

MAKI-BALITA: Maine Mendoza at Arjo Atayde, officially married na!