Kamakailan lamang ay nagpakilig sa mga netizen ang usapan nina Jake Cuenca at nali-link sa kaniyang si Chie Filomeno hinggil sa bagong shave niyang balbas at bigote.

Pero ngayon naman, ibang "buhok" naman ang ipinasilip ng Kapamilya hunk actor sa kaniyang Instagram post nitong Lunes, Nobyembre 6.

May caption itong "New vision."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Plakadong-plakado naman ang mga litrato ni Jake, na sa ilang mga kuha ay nakasuot ng mahabang pastel colored coat with matching sunglasses pa.

Pero ang hindi kinaya ng netizens ay nang magpasilip na siya ng abs, at medyo nakababa ang saraduhan ng pants niya, kaya sumilip ang ilang "buhok" sa kaniyang private part, o tinatawag sa kolokyal na "karug."

Narito ang ilan sa reaksiyon at komento ng netizens.

"Looking good jakeyyy!!! 🔥🙌 Miss you!! ❤️"

"My goodness!! Don’t know what to say!! Too hot to handle."

"Angas!"

"Clean 100%!"

"Grabeh may pabuhok s dadzey. Sherep!."

Pati ang aktor na si Gardo Versoza o tinatawag ding "Cupcake" sa social media ay napakomento na rin.

"gayahin ko yan cupcake 👍🧁😍🔥🥰🧁," anang Gardo.

Tugon naman ni Jake, "@gardo_versoza kaw nga idol ko cupcake eh. 🫡"

Ngunit makahulugan naman ang hirit ni Cupcake.

"@juancarloscuenca basta i know we have 1 common denominator hahahahaa labyu cupcake 🧁❤️👌🥰😘."

Hirit naman ni Jake, "@gardo_versoza hahahahhahaha IDOL Talaga kita cupcake! 🤣🤣🤣

Well, ano nga kaya ang "common denominator" na sinasabi ni Gardo?