Nagbahagi na naman si “Drama King” Dennis Trillo ng kaniyang TikTok video kamakailan.

Mapapanood sa kaniyang TikTok account ang nasabing video kung saan siya ay naggigitara at nili-lip sync ang kantang “Ikaw Lang Ang Aking Mahal”.

Sa bandang huli, biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Dennis at bumungad ang asawa niyang si Jennylyn Mercado na matalim ang tingin sa kaniya.

Sey tuloy ng aktor: “Better lock next time🚪”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Tsk tsk tsk…” komento ni Jen.

Kinaaliwan naman ng mga netizen ang komentong ito ng aktres sa video ng asawa. Narito ang ilan sa kanilang mga reaksiyon:

“MATAGAL NA PO YAN.”

“Ano ba dennis. Buksan mo to! 😂”

“may personal nurse po b asawa m? nid po nya ng gamot..”

“yari ka Dennis 😂😂😂”

“mamwa pao's dog:lagot na”

“cute couple💖”

“ang ingay ba 😁”

“nahuli mu din po hehehe”

“huli pero di kulong😅😅😅😅”

Tila wala talagang kadala-dala sa pagti-TikTok si Dennis. Matatandaang kamakailan lang ay “pinagsabihan” na siya ni Jen.

MAKI-BALITA: Jennylyn ‘pinagalitan’ si Dennis kaka-TikTok: ‘Makakabasag ka na naman sa bahay!’

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, mahigit 2 milyong views na ang nasabing TikTok video ni Dennis.