Nagbigay ng reaksiyon at saloobin si Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda sa naging performance ng team nina Vhong Navarro, Teddy Corpuz, at Jugs Jugueta sa "Magpasikat 2023."

Sa pamamagitan ng "Artificial Intelligence" o AI ay nagawang mailapat sa mukha ng tatlo ang mga iconic at legendary comedians na sina Redford White, Babalu, at Comedy King Dolphy.

Ipinakita rin nila ang iba pang mga pumanaw na komedyante gaya nina Tia Pusit, Yoyoy Villame, Willie Nepomuceno, Blakdyak, Rene Requiestas at German Moreno o Kuya Germs.

May special participation din dito ang katambal ni Dolphy sa sitcom na "Home Along Da Riles" na si Nova Villa, na nakilala naman dito bilang si Azon.

'Mauubos lang ang oras ko:' Leila De Lima, iisnabin na lang mga basher

Sey ni Vice Ganda, ang sarap patawanin ng mga Pilipino subalit ang hirap din umanong pasayahin.

Naikumpara ni Vice ang komedya noon sa komedya ngayon. Kung sasabihin daw niya ang mga sinasabi ng mga komedyante noon sa pagpapatawa, tiyak daw na mababash at maraming magagalit sa kaniya ngayon.

“Dati noong panahon nila, mahirap nang magpatawa nooon. Pero grabe ‘yong hirap magpatawa ngayon. Minsan kapag nanonood ako ng mga lumang comedy, sasabihin ko ‘Nakakatawa ‘yan ano? Paano 'pag sinabi ko ngayon ‘yan, anong mangyayari sa akin? Paano ‘pag ginawa ko ngayon ‘yan, anong mangyayari sa akin?’"

“Ang sarap magpasaya ng mga Pilipino pero lately, ang hirap n'yo ring pasayahin. Konting kibot, konting utot ‘di ba, merong pangit na reaksiyon. Ang hirap-hirap magpatawa ngayon kaya nakakatuwa na makita ‘yong maraming litrato ng komedyante.

"Sabi ko ‘Ang sarap oh, ang dami nang komedyante.’ Pero ngayon sana dumami pa ‘yong komedyante kahit ang hirap-hirap nang magpatawa."

Matatandaang kababalik lamang ng noontime show matapos mapatawan ng 12-airing day suspension ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB dahil sa "icing incident" nina Vice Ganda at Ion Perez, at sa iba pa umanong violations.

MAKI-BALITA: Mga yumaong komedyante, binigyang-tribute nina Vhong, Jugs at Teddy