Tila may makahulugang post si Kapamilya actress Shaina Magdayao tungkol sa noontime show na “It’s Your Lucky Day” sa kaniyang Instagram account nitong Linggo, Nobyembre 5.

Ayon kay Shaina, hindi niya umano namalayan na napamahal na siya sa kaniyang mga co-host. Sa katunayan, itinuturing pa nga raw niya ang mga ito bilang maagang pa-birthday gift ni Lord sa kaniya.

“Yung hindi mo namalayan ….napa mahal na pala silang lahaaaaaat sa iyo,” saad ni Shaina sa caption ng kaniyang post.

“Haaaaay this #LuckyFam 🤍Ang isa sa pinaka magandang surprise sa akin ni Lord - I consider this new family an early birthday gift 🫶🏻,” sabi pa niya.

Quiboloy, nag-bible study habang nasa detention center

Pinasalamatan din ni Shaina ang mga naging bahagi ng nasabing show. Mula host hanggang crew at staff. 

“From my co-hosts (akalain ninyo yun???! 😂 noon time host pala ako hahaha) to our crew and our staff (huhu salamat po sa inyong alaga at alalay at mga ngiti at yakap in the morning na nakakawala ng pagod!”

Saludo rin umano siya sa serbisyong ibinibigay ng “It’s Showtime” family para sa madlang pipol at sa pagiging pambihirang “capatain” umano ng co-host niyang si Luis Manzano.

“Saludo ako sa inyo, Showtime Fam. Ang hirap ng trabaho ninyo araw araw! Pero kayo ang tunay na #intheserviceoftheFilipino ❤️💚💙) to our Captain PAPALU - Thank you for being an exceptional Captain. I had the privilege of witnessing your generosity every single “lucky” day ♥️ Saludo ako sayo, our Pambansang Host and now my PapaLu 🤍 We are proud and blessed ….and lucky to have a friend like you! ♥️”

Sa huli, nagpahayag si Shaina ng pangulila para sa kaniyang “Lucky Fam” at nag-iwan pa ng pahiwatig sa tila muling pagbabalik-telebisyon ng “It’s Your Lucky Day”.

“I miss you all, my buang Lucky Fam 🍀But gaya nga ng sabi ko, no goodbyes! This is only just the beginning 🙏🏻🤍

“Hey! Hey!!! See you …..soon? 🙏🏻 *wink,” saad pa niya.

Matatandaan na “It’s Your Lucky Day” ang pansamantalang pumalit sa noontime show na “It’s Showtime” matapos nitong patawan ng 12-day suspension ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.

MAKI-BALITA: ‘It’s Your Lucky Day’ rerelyebo sa ‘It’s Showtime’

MAKI-BALITA: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB