Ibinahagi ng “Pepito Manaloto” actress na si Janna Dominguez na ipinapagawa na nila ang musuleo ng pumanaw na anak nila ni Mickey Ablan na si Yzabel Ablan, na tinawag niyang "room."

Sa kaniyang Instagram post, sinabi ni Janna na pagagandahin niya ang "room" ng anak at malapit na itong matapos.

"Atebabyko Yzabel Ablan i loveyou🤍 papagandahin natin room mo. Lapit na matapos," ani Janna.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Noong Oktubre 7, inanunsyo ni Janna sa kaniyang Instagram post ang pagyao ng anak dahil sa “sudden heart failure” at “lung infection.”

“Sa sobrang ayaw nya nakaka abala ng ibang tao hindi nya sinabi samen mga nararamdaman nya. Nag pa-check up sya the day before and doctor gave her meds na kaya iniisip namen ok na. Then bigla nlang ganon,” ani Janna.

MAKI-BALITA: 20-anyos na anak ni Janna Dominguez, pumanaw na

Nagpahayag ng pagdadalamhati ang aktres na si Iwa Moto na itinuring na anak na rin si Yzabel.

MAKI-BALITA: Iwa Moto, emosyunal sa pagpanaw ni Yzabel Ablan: ‘I was her stepmom’