Inalala ng showbiz columnist na si Ogie Diaz ang isa umanong young actress na minura niya noon.

Nag-retweet kasi sa kaniyang X account ang script writer na si Noreen Capili nitong Sabado, Nobyembre 4, sa isang tweet ni Ogie tungkol kay Anji Salvacion.

Matatandaang pinuna ni Ogie si Anji at inalok pang mag-workshop nang libre sa kaniya matapos okrayin ng mga netizen ang kaniyang pag-arte.

MAKI-BALITA:  Anji, Kice, willing i-workshop ni Ogie nang libre

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

MAKI-BALITA:  Anji at Kice, naokray na naman aktingan sa ‘Linlang’

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, nilinaw ang puna kina Anji at Kice sa ‘Linlang’

“Wag kayong masaktan. I-push nyo pa si Anji to be better. Pag humusay naman siya sa pag-arte in the future, double happiness naman yon for the fans. Ano gusto nyo, echosin lang nila idol nyo just to please you?” tugon ni Ogie sa isang fan ni Anji.

Sey naman ni Noreen: “Mama @ogiediaz di ba may minura ka na young actress noon kasi hindi makaiyak sa eksena niyo? As in tandang-tanda ko pa yung sinabi mo sa kanya 🤭🤭🤭 Ayun after a few years - nanalong best actress si Bakla!”

“Oo. Til now, very grateful siya sa akin. Hehehe. Ambilis umiyak. Siguro ako lagi iniisip non. Hahaha!  Di dapat kasi bine-baby,” saad pa ni Ogie.

Tila nagkaroon naman ng ideya ang mga netizen kung sino ang tinutukoy ni Ogie sa naturang tweet. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Yen Santos. 🤭 I remember that interview. Naiyak talaga siya ee 😂”

“Para ka din palang si direk joel haha”

“So para ka palang si Joel Lamangan at si Yen si Marjorie Barretto?! 🤣

“Yen Santos pero bano pa rin umarte yun. Chaka ng acting aa Faroh Island na movie. Kinain sya ni Paolo.”

Matatandaang noong 2022 ay pinarangalan ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Yen Santos ng Gawad Urian bilang “Best Actress” para sa pelikulang “A Faraway Land”.

Sa kasalukuyan, wala pang kumpirmasyon mula kay Ogie kung tama ba ang hinala ng mga nagkomento.

https://twitter.com/ogiediaz/status/1720765355415761209