Naging emosyunal ang hosts, mga hurado, at madlang people sa unang sultada ng “Magpasikat 2023” ng noontime show na “It’s Showtime” matapos bigyang-pugay ng team nina Vhong Navarro, Teddy Corpuz, at Jugs Jugueta ang mga namayapang iconic at legendary comedians sa Philippine showbiz.

Sa pamamagitan ng "Artificial Intelligence" o AI ay nagawang mailapat sa mukha ng tatlo ang mga iconic at legendary comedians na sina Redford White, Babalu, at Comedy King Dolphy.

Ipinakita rin nila ang iba pang mga pumanaw na komedyante gaya nina Tia Pusit, Yoyoy Villame, Willie Nepomuceno, Blakdyak, Rene Requiestas at German Moreno o Kuya Germs.

May special participation din dito ang katambal ni Dolphy sa sitcom na "Home Along Da Riles" na si Nova Villa, na nakilala naman dito bilang si Azon.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Patikim pa lamang iyan dahil marami pang pasabog ang bawat team hanggang sa matapos ang Magpasikat. Mag-uuwi ng 300,000 piso ang mananalong team.

Grabehan din ang line-up ng mga hurado dahil ito ay sina Direk Olivia Lamasan, Jeth Pangan, Apl De Ap, Tirso Cruz III, at Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza.

Kaya abangan na lamang kung sino sa mga koponan ang talagang mananaig at magwawagi.