“Sa mga susunod na araw iikot po ako sa halos lahat ng probinsya at kakausapin ko diretso ang mga farmer and fishermen. Gusto kong marinig ng personal kung ano ‘yung kailangan nila, ano ‘yung hinaing nila at ano ‘yung nakikita nilang vision nila. Gusto kong makita ang kalagayan nila ," aniya.
Aniya, kabilang sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na makamit ang food security, mabawasan ang pag-aangkat at maiahon sa kahirapan ang mga magsasaka, mangingisda sa pagtatapos ng termino nito sa 2028.
“By modernizing the agriculture sector, we could make it a more profitable venture and attract a younger generation that would ensure the country’s food security in the decades to come,” dagdag pa ng opisyal.