Pinuri ng showbiz columnist-talent manager na si Lolit Solis ang mag-asawang Direk Paul Soriano at Toni Gonzaga sa kaniyang Instagram post nitong Lunes, Nobyembre 6.

Aniya, kitang-kita raw ang chemistry at paggalang ng dalawa sa isa't isa kaya pareho raw silang sinusuwerte. Giit pa ni Lolit, simula't sapul daw ay tagahanga na siya ng dalawa.

"Tuwa naman ako sa mag asawang Paul Soriano at Toni Gonzaga Salve. Kitang kita mo ang chemistry at respeto nila sa isa't isa kaya naman [sinusuwerte] silang dalawa. Eversince talaga fan ako ang mag asawa dahil very polite sila at approachable. Saka friendly sila sa lahat."

"Maganda mga trabaho ni direk Paul Soriano plus good actress naman si Toni Gonzaga. Cute family sila kasama ng 2 nilang anak. Bongga nga dahil parang magiging busy sila pareho sa kanilang career. At least mahusay sila sa time management. Bongga."

National

LPA sa loob ng PAR, posibleng maging bagyo -- PAGASA

Matatandaang "nabanatan" noon ni Lolit ang kapatid naman ni Toni na si Alex Gonzaga matapos maisulat noon ang tungkol sa unang pagkaka-miscarriage nito.

Nasita siya ng mag-asawa rito at nangako naman si Lolit na hinding-hindi na siya susulat ng kahit ano na may kinalaman kay Alex.