Naging emosyunal ang kasambahay ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga matapos umano nitong panoorin ang panayam niya sa “Toni Talks” nitong Linggo, Nobyembre 5.

Matutunghayan sa ibinahaging Instagram story ni Alex ang video ng kaniyang kasambahay na tinawag niya sa pangalang “Jen” na nagpupunas ng luha.

“Nakita ko si jen umiyak kala ko ano nangyari sabi ko bakit ka umiiyak bigla ako niyakap “Ngayon ko lang natapos interview mo e,” sabi ni Alex sa tekstong nasa video.

Photo courtesy: Alex Gonzaga (IG)

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Photo courtesy: Alex Gonzaga (IG)

Matatandaan kasing ibinahagi na ni Alex sa publiko sa kauna-unahang pagkakataon ang tungkol sa kaniyang pangalawang miscarriage. 

MAKI-BALITA: Alex Gonzaga, muling nakunan

Kaya pala kamakailan lang ay napansin ng ilang netizen na tila buntis siya sa ibinahagi niyang video sa kaniyang Instagram account habang sumasayaw. 

MAKI-BALITA: Netizen, may napuna kay Alex Gonzaga: ‘Buntis yata?’

Samantala, 2021 noong unang beses na makunan si Alex.

MAKI-BALITA: Alex Gonzaga, binasag na ang katahimikan hinggil sa pagbubuntis