“Opposites attract⁣”

Ibinahagi ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang kamangha-manghang imahen ng Jupiter matapos umano nitong marating ang “opposition,” na nangyayari kapag ang planeta at ang araw ay nasa magkabilang dako ng universe.

Mala-painting na formation ng ulap sa Jupiter, napitikan ng NASA

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng NASA na nakuhanan ng kanilang Hubble Space Telescope ang larawan ng Jupiter na nasa ultraviolet wavelengths.

Kapansin-pansin sa larawan ang kulay blue, pink, at purple na imahen ng gas giant.

“Scientists use ultraviolet wavelengths to further study Jupiter’s storm systems, mapping deep water clouds that define Jupiter’s atmosphere,” saad ng NASA.

“Clouds on stormy Jupiter are far taller than scientists predicted, with some dipping 60 miles (100 km) below the cloud tops – the iconic Great Red Spot (here in ultraviolet blue) extends over 200 miles (350 km) below its highest peaks,” dagdag pa nito.

Matatandaang kamakailan lamang ay nauna nang ibinahagi ng NASA ang larawan ng mala-painting na formation ng ulap sa Jupiter.