Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong naniniwalang nasa tamang direksyon ang Pilipinas base sa mga polisiya at aksyon ng kasalukuyang administrasyon, ayon sa inilabas na survey ng OCTA Research nitong Lunes, Nobyembre 6.

Sa Third Quarter of 2023 “Tugon ng Masa” survey ng OCTA, lumabas umanong 62% mga Pinoy ang naniniwalang nasa tamang direksyon ang bansa, mas mababa umano kung ikukumpara sa 72% na datos noong second quarter ng taon.

Ayon pa sa OCTA, ang naturang datos nitong Oktubre 2023 ang pinakamalaking “percentage drop” umano mula noong Oktubre 2022.

Samantala, lumabas din naman umano sa pinakabagong survey na 20% ang hindi naniniwalang nasa tamang direksyon ang Pilipinas.

National

Dr. Raquel Fortun, sa pagkaaresto kay FPRRD: 'Wala talagang pag-asang kasuhan 'yan sa Pinas!'

Isinagawa umano ang naturang Tugon ng Masa survey mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 4 sa pamamagitan ng pakikipanayam sa 1,200 respondents na nasa 18 pataas ang edad.