Ibinahagi ni Kapuso star Bea Alonzo sa kaniyang ">vlog ang magandang balita na sa wakas, nakuha na niya ang residency card sa bansang Espanya.

Matatandaang naging residente ng nabanggit na bansa si Bea matapos niyang bumili ng property doon.

Ito raw ang unang pagkakataong matitirhan niya ang kaniyang na-acquire na property, na isang condo unit na matatagpuan sasa Madrid, Spain.

Aasikasuhin na raw ni Bea ang mga bagay patungkol dito sa 20 days na Europe trip nila ng fiance na si Dominic Roque. Ibinida ng aktres ang kaniyang pag-iimpake patungo sa kanilang trip.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hindi naman malinaw kung magbe-break ba sa showbiz si Bea kapag nanirahan na muna siya sa Spain.

Naikuwento noon ni Bea sa media maging sa kaniyang vlog na upang maging residente ka sa Espanya, kailangan mong bumili ng property doon sa pamamagitan ng Residency By Investment (RBI) program.

KInakailangang pasok sa halagang €500,000 o ₱29,515,048 batay sa exchange rates noong 2022 ang halaga ng bibiling property upang makapasok sa eligibility na maging residente roon.