Tampok sa usapan nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez, at Romel Chika, ang aktres at talent manager na si Annabelle Rama.

Sa isang episode ng “Showbiz Now Na” kamakailan, tila si Annabelle umano ang sinisisi sa hiwalayan ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Bagama’t wala pa namang kumpirmasyon, matatandaan na naging maugong ang usap-usapang hiwalay na umano ang anak nitong si Richard sa asawang si Sarah simula noong mapansin ng mga netizen na hindi magkasama ang dalawa sa kanilang mga latest picture sa Instagram.

MAKI-BALITA: Richard at Sarah ayaw tantanan ng mga marites sa isyung hiwalay na

National

Dahil sa bagyong Carina: 2 lugar sa Luzon, itinaas sa Signal No. 1

“Ang una-una nilang pinagdidiskitahan na naging dahilan ng problemang ito—kung totoo ngang hiwalay na sila—‘yun bang nangyaring di pagkakaunawaan ni Tita Annabelle Rama at ng mommy ni Sarah Lahbati,” saad ni Cristy.

“May history naman pala kaya puwede nating balikan,” sundot naman ni Romel.

“‘Yun ang binabalikan talaga ngayon at inuungkat,” sabi ni Cristy sabay baling sa co-host na si Wendell, “ano ba ‘yang mga kuwento na ‘yan?”

Ayon kay Wendell, nakikialam umano si Annabelle kina Richard at Sarah na hindi umano gusto ng ina ng huli. Gusto raw kasi nito na bigyan ng kalayaan ang dalawa na lumago bilang mag-asawa.

“‘Yun naman kasi ang tama talaga, di ba? Kahit naman sa Bible sinasabi, kapagka nag-asawa na ang anak may sarili na siyang mundo. Nandiyan lang ang mga magulang para magpayo, di ba?” dagdag pa ni Cristy.

Pero sa kasalukuyan, wala pang anomang pahayag, tugon, o reaksiyon si Annabelle hinggil sa isyung ito.