Makahulugan ang Instagram post ng Kapamilya star na si Angelica Panganiban matapos niyang ibahagi ang kaniyang birthday celebration kasama ng mga kaibigan.

Aniya, ito na raw ang huling beses na magdiriwang siyang "Ms. Panganiban."

"Salamat sa pagsama sakin sa huling kaarawan blang Ms. Panganiban 🫰," mababasa sa caption ni Angge.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

May hashtag itong "#HuliNaNiPanganiban."

Batay sa mga ibinahaging larawan ng aktres, kasama niya sa selebrasyon ang mga kaibigang sina Kim Chiu, Ketchup Eusebio, Glaiza De Castro, Smokey Manaloto, Dimples Romana, Alex Medina, Kean Cipriano, at siyempre, present ang kaniyang partner at ama ng kaniyang anak na si Gregg Homan.

Kaya naman, palagay ng mga netizen ay malapit nang marinig ang "wedding bells" nina Angge at Gregg.

"Blessed Birthday Ms. Panganiban and soon to be Mrs. Homan 🎂🎁🎂 I love you since Becky days and now that you have Beany❤️😍❤️."

"Happiest birthdayyyyy ikaw ang happiest na talaga!"

"Maligayang kaarawan sayo Ms.Panganiban. Masaya ako na masaya ka lalo na sa soon to be Mrs.Homan kana. Praying you good health and inner peace. I love you always🤍🥰."