Kinapanayam ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano ang “Asia’s Multimedia Star” na si Alden Richards noong Sabado, Nobyembre 4.

Isa sa mga naitanong ni Bernadette kay Alden ay kung ano raw ang plano ng aktor sa pagpapamilya.

“Ano na’ng plano mo? Ako parang nanghinayang ako na late ako nag-start hindi na kami nagkaanak. So ‘yun ‘yung pinanggagalingan ko. Is it a priority now?” usisa ni Bernadette.

“Settling down and starting a family is a choice. 31 years old na po ako at the moment. Of course there are a lot of opportunities right now na nakikita ko ngayon because I’ve been venturing into different fields of businesses,” sagot ni Alden.

National

FPRRD, posibleng kasuhan ng 'obstruction of justice' dahil kay Quiboloy

Dagdag pa niya: “I’m not a fan of deadline po kasi, e. Like ‘yung siyempre by this age ganito ka na, by this age ganito ka na.”

“It’s not your priority but you would want?” usisa ulit ni Bernadette.

“Of course, it’s everyone dream,” tugon pa ng aktor.

Sa katunayan, kapag may mga baby umanong nagpapa-picture kay Alden, iniisip niya raw na anak niya rin ang mga ito.

Nang tanungin naman siya ni Bernadette kung may hinahanap pa raw ba siya sa isang babae, ang sagot niya, wala na raw. Basta’t mayroon lang daw umanong capital “U”. Understanding.