Nakauwi na sa Pilipinas ang 22 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Israel nitong Lunes ng hapon.

Sa Facebook post ng Department of Migrant Workers (DMW), ang nasabing bilang ng mga manggagawa ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3 sa Pasay City.

National

PBBM, may napipisil nang kapalit ni Abalos bilang kalihim ng DILG

Nauna nang nakaligtas ang mga nasabing OFW sa giyera sa pagitan ng Israel at militanteng grupong Hamas.

Kabilang sa umuwi ang OFW na si Mary June Prodigo, bitbit ang na-cremate na bangkay ng kanyang kapatid na caregiver na si Grace Cabrera na nagtrabaho sa Kibbutz Be’eri.

Nasawi si Cabrera sa pag-atake ng Hamas sa Israel nitong Oktubre 7.

Kaagad ding tumanggap ng financial assistance at iba pang tulong ng pamahalaan ang 22 OFWs, ayon sa DMW.